minsan sa mga pelikula, merong mga scenes kung saan ang aktor ay pinapakita na umiinom (lumalagok) ng isang bote ng alak (hindi beer). eto ay yung part ng pelikula na kung saan ang aktor ay nalulugmok sa isang problema o conflict: inagaw ang leading lady ng kontrabida (na kamukha ni paquito diaz). kinidnap ang pamilya. o plainly, may isang bagay na kailangang pagdesisyunan.
isang magandang idea.
feeling aktor, kinuha ko ang isang bote ng marques de caceres na alak sa aking mesa. nabili ko ito nang isang beses ay napadpad ako sa barcelona. ito daw ang pinakamabentang alak dun (hindi ibig sabihin na pinakamasarap). sa tingin ko masarap naman. lumagok ng isa.
sh#$%^&t, ang paeeeeett!
bad idea.
No comments:
Post a Comment