26.4.08

160-char.story.

nung unang nauso ang cellphone (at texting), tinangka ko din na dalhin dun ang (sapilitang) pagsusulat. totoo ngang nag-eevolve ang pagsusulat. mga taong 2001 iyon. pero maaaring nauso na ang cellphones bago pa man ang 2001, hindi lang ako makabili. estudayante, walang pambili at kung iisipin, gusto mo bang magkaroon ng cellphone na kasing laki ng walkie-talkie? o yung alcatel na asul na mukhang sabon na safeguard (meron nito yung kapatid ko)? pero hindi ko inisip yun. wala lang talaga akong pambili.

nung mga panahon din na yun, ang bilang ng mga characters na pwede mong isulat sa mga teleponong ito ay hanggang 160 lamang. kung gusto mong magsulat ng mas mahabang mensahe, kailangan mong magsulat at magpadala ng isa pang text message. 2 piso lahat. at nung panahon na yun, at kung ikaw ay isang estudyante, e isang malaking bagay na.

nagtangka ako noon na magkwento ng mga bagay-bagay na pagkakasyahin sa isang text message. challenging. at ang kinalabasan ay hindi ganun kaganda. o kagaya ng aking inaasahan.
dahil sa pagtatangkang ito, naging mas creative pa ang pagsusulat. meron ako at ilan sa aking mga kaibigan na naipon at naitago sa mga kwento ng aking pagtatangkang ito na umabot ng mga 3 taon. ang ilan sa mga nag-survive pagkatapos mauso ang pagnanakaw at pag-aagaw ng cellphones, madalasang pagpalit ng sim card at iba pa, ay ini-post ko ngayon bilang isang page element dito sa blog. sa may kanang bahagi. ilan sa mga ito ay mga phrases na narinig ko sa ibang tao, parte ng lyrics ng mga kanta at dialog sa mga pelikula na kahit papano ay naka-impluwensya sa akin.

nakakatuwa at nakakatawa. pagkatapos kong mabasa ulit ang mga ito, napansin ko na masyado atang umikot ang aking mundo sa kalungkutan, self-pity, romantisismo at ka-cornihan. pasensya na. nakakatawa man ang iba, gusto kong isama ang mga ito sa blog. mas natural. walang masyadong inhibitions.

pagkatapos ng ilan pang taon, naglabasan na ang mga tipo ng cellphone na kayang makasulat ng isang word document. pero sa susunod na mga araw na lang ang kwento tungkol dun.

No comments: